VP ROBREDO: OUTSTANDING WOMAN

Posted on Posted in Prime FM Balita

Dahil sa dedikasyong mapaunlad ang buhay ng mga kababaihan, kinilala bilang “Honorary Outstanding Woman in 2016” si Vice Presdient Leni Robredo sa Thailand. Kauna-unahang official trip abroad ito para sa pangalawang pangulo.

Kasabay ito ng Thai Women’s Day event na may temang “The Power of Thai Women under the Greatest Kindness of her Majesty the Queen, the Mother of the Land”. Pinangunahan ito ng National Council of Women – Thailand. Kinilala rin ito bilang matagumpay na ASEAN woman leader na nagsusulong ng karapatan at gender equality.